Thursday, October 8, 2009

sa simpleng paraan


Hala ilang araw na pala kong walang entry.. tinamad na naman siguro ko hehe! ang totoo may sinisingil na naman kasi saking proyekto ang kinauukulan wala tuloy time para mag blog at mag fesbuk.. tsk tsk istorbo! hehehe jowk! mahal ko kaya tong trabaho ko.. :)

kahapon bago umuwi may nag message sakin sa chat.. kakatouch lang kasi out of nowhere un ang concern nya.. sa isang kaibigang di uso magseryoso hehehe at panay kalokohan lang ang alam.. sabi nya pagamot ko n daw un likod ko sya na daw kasi ang nahihirapan para sakin.. unahin ko daw to bago ko umatupag ng iba hehe.. sabi pa nya pagnagka baby mahihirapan ako.. aba at seryoso xa.. concern ha.. katuwa.. sabi ko nmn uu papagamot ko to mejo mahal lng tlaga need pag-ipunan heheh sakit daw kasi ng mayaman to hayz! pero minsan parang naiisip ko parang gusto ko muna unahin pamilya ko.. makabawi man lng! dami ko n pagkukulang e! huhuhu! masarap kasi sa pakiramdam kapag napapasaya ko sila.. kahit sa simpleng bagay lng na nuon di ko man lang magawa.. pero basta bahala na.. hehehe ang importante ngayon.. sobra sobrang nagpapasalamat ako sa mga blessings na sunod sunod na dumarating sakin.. sabi ko nga sa sarili ko baka reward ko na to hehehe! thanks BRO! :)

Ngayon ang kaarawan ng pinakamamahal kong ama!

Maligayang kaarawan ama ko! Mabuhay ka! Salamat sa lahat lahat ng nagawa mo para sa aming magkakapatid! Hangad ko ama na humaba pa ang pagsasama natin.. ayoko munang mawala kau... wahhh! babaha ng luha.. kaya makikiusap ako palagi ke BRO na makasama pa namin kayo ng matagal.. :)

Relo ang nabili ko ke tatay may kalakip na pagmamahal.. :) kahit na di ganun ka bonggang bongga ramdam ko ang pagkatuwa nya.. ang pagmamalaki nya na bigay un ng cute nyang anak hehehe.. un ang gusto ko ke tatay kahit pa katiting lang lubos nyang inaappreciate.. :)

Gagawan ko rin xa ng paborito nya na crema de fruta na xmpre ako dapat talaga ang maygawa dahil pag iba ayaw nya oh dba d nmn nya ko mahal e noh? hehe.. :)

Mga kablog tapusin ko na muna tong entry ko ha at meron pa kong pagkakaabalahan.. ilang araw na lang at maniningil n ang tadhana.. patay ako! hehehe.. sa inyo mga ka-blog.. mahalin ntin ang ama natin kahit pa gano kabuti o kasama sila.. ayoko ng maulit ang dati.. na di ko nabigay ng lubos sa nanay ko huhuhu ngyn d ko na xa nakakasama physically.. mas ok sana un dba para mas mapramdam ng bonggang bongga.. nadala na ko.. kaya ke tatay gat and2 xa gusto ko napapasaya ko xa palagi.. kahit sa simpleng paraan lng na alam ko.. :)


== GOD BLESS ==

2 comments:

  1. belated haberday sa tatayo mo :D
    at pagipunan mo ng maigi para mapatingin mo na ung likod mo. hehe...

    ReplyDelete
  2. belated hapi b-day sa ama mo. =]

    haha. binabasa ko yung blog mo at naliligayahan naman ako sa bawat entry na nababasa ko. sana nga mapatignan mo na yang likod mo. ge ingat. =]

    ReplyDelete

Blog Widget by LinkWithin