Thursday, October 8, 2009

sa simpleng paraan


Hala ilang araw na pala kong walang entry.. tinamad na naman siguro ko hehe! ang totoo may sinisingil na naman kasi saking proyekto ang kinauukulan wala tuloy time para mag blog at mag fesbuk.. tsk tsk istorbo! hehehe jowk! mahal ko kaya tong trabaho ko.. :)

kahapon bago umuwi may nag message sakin sa chat.. kakatouch lang kasi out of nowhere un ang concern nya.. sa isang kaibigang di uso magseryoso hehehe at panay kalokohan lang ang alam.. sabi nya pagamot ko n daw un likod ko sya na daw kasi ang nahihirapan para sakin.. unahin ko daw to bago ko umatupag ng iba hehe.. sabi pa nya pagnagka baby mahihirapan ako.. aba at seryoso xa.. concern ha.. katuwa.. sabi ko nmn uu papagamot ko to mejo mahal lng tlaga need pag-ipunan heheh sakit daw kasi ng mayaman to hayz! pero minsan parang naiisip ko parang gusto ko muna unahin pamilya ko.. makabawi man lng! dami ko n pagkukulang e! huhuhu! masarap kasi sa pakiramdam kapag napapasaya ko sila.. kahit sa simpleng bagay lng na nuon di ko man lang magawa.. pero basta bahala na.. hehehe ang importante ngayon.. sobra sobrang nagpapasalamat ako sa mga blessings na sunod sunod na dumarating sakin.. sabi ko nga sa sarili ko baka reward ko na to hehehe! thanks BRO! :)

Ngayon ang kaarawan ng pinakamamahal kong ama!

Maligayang kaarawan ama ko! Mabuhay ka! Salamat sa lahat lahat ng nagawa mo para sa aming magkakapatid! Hangad ko ama na humaba pa ang pagsasama natin.. ayoko munang mawala kau... wahhh! babaha ng luha.. kaya makikiusap ako palagi ke BRO na makasama pa namin kayo ng matagal.. :)

Relo ang nabili ko ke tatay may kalakip na pagmamahal.. :) kahit na di ganun ka bonggang bongga ramdam ko ang pagkatuwa nya.. ang pagmamalaki nya na bigay un ng cute nyang anak hehehe.. un ang gusto ko ke tatay kahit pa katiting lang lubos nyang inaappreciate.. :)

Gagawan ko rin xa ng paborito nya na crema de fruta na xmpre ako dapat talaga ang maygawa dahil pag iba ayaw nya oh dba d nmn nya ko mahal e noh? hehe.. :)

Mga kablog tapusin ko na muna tong entry ko ha at meron pa kong pagkakaabalahan.. ilang araw na lang at maniningil n ang tadhana.. patay ako! hehehe.. sa inyo mga ka-blog.. mahalin ntin ang ama natin kahit pa gano kabuti o kasama sila.. ayoko ng maulit ang dati.. na di ko nabigay ng lubos sa nanay ko huhuhu ngyn d ko na xa nakakasama physically.. mas ok sana un dba para mas mapramdam ng bonggang bongga.. nadala na ko.. kaya ke tatay gat and2 xa gusto ko napapasaya ko xa palagi.. kahit sa simpleng paraan lng na alam ko.. :)


== GOD BLESS ==

Sunday, September 27, 2009

si ondoy


Gusto kong umpisahan ang entry ko sa isang munting panalangin..

Dear Papa Jesus,
          Una sa lahat patawarin mo kami sa ming mga pagkakasala.. sa panahong ito higit po kayong kailangan ng sambayanang Pilipino.. tulungan nyo po sila Papa Jesus na patatagin ang loob at magkaron ng pag-asa para ipagpatuloy ang buhay.. ako mismo Papa Jesus nagpapasalamat at walang nangyaring masama sa pamilya at mga mahal ko sa buhay.. buo pa rin ang aming tahanan.. sa mga kababayan ko pong lubos na naghihirap dahil sa trahedyang nangyari sa kanila Papa Jesus sana makakita sila ng liwanag.. wala man akong pinansyal na maitutulong.. panalangin ko po sa inyo ang lubos kong maibibigay sa knila.. sana Papa Jesus.. pagkatapos ng unos na ito ay tulungan nyo po silang bumangon.. sa mga nawalan po ng mga mahal sa buhay lalo na ang mga batang kaawa awa.. sana po ay tulungan nyo silang makamove on sa trauma sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.. sa mga pumanaw Papa Jesus nawa'y akayin nyo po sila papunta sa inyong PARAISO at matikman ang walang hanggang saya sa piling ninyo.. Maraming salamat Papa Jesus..

Andreng
 ----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Malungkot ang lahat kaninang umaga pag pasok ko sa office.. di ko man aminin konti na lang ay papatak na talaga ang luha ko.. isa sa malapit kong kaopisina ang nabiktima ni ondoy. Naubos ang kanilang ipinundar na gamit.. wala silang nailigtas kundi mga feeding bottle lang para sa kanya dalawang maliliit na anak.. ang bahay nila tuluyan ng nilubog ng baha.. ayon sa kanya binalikan nila ang bahay nila pero putik at pagibang bahay na ang tumambad.. di na daw talaga pedeng tirahan dahil sinira na ng bagyo.. nakakapanlumo pero sa kabila nun nagpapasalamat kaming lahat at walang namatay sa knila.. nailigtas nya ang maliliit nyang anak.. bukod dun.. hindi mabilang ang napinsala pa ni ondoy d2 saming opisina.. karamihan kasi talaga dito.. sa parteng yun nakatira..

sa news paper.. sa tv.. sa internet.. kalunos lunos at kakilakilabot ang pinsalang idinulot ni ondoy.. ilan sa mga litratong nakita ko ay ito..


 



eto nman mga video na sobrang nakakapanlumo..










nabasa ko kanina ke paps bout ke jacque bermejo.. so hinagilap ko sya ke kuya google at eto ang mga nakalap ko.. ayoko sanang pag-aksayahan sya ng panahon pero naintriga ko kung ano ba ang nagawa ng babaeng ito.. ganun pa man ayoko pa rin muna mag judge kasi d rin ntin alam kung sya nga ba yan.. pero kung sya man yan o hindi... hindi magandang biro kung biro man ang comment na yun.. wala sya karapatan magsabi ng ganun dahil hindi yun makatao! walang takot sa Diyos ang katulad nun.. ang taong un at Diyos lamang ang tanging nakakaalam ng totoo..


pasensya na po maliit ung copy.. eto yung link ng multiply account nya..


kakaiba title ha..

pero may nabasa ko shout ng kapatid nya.. sa isang blog..  eto po ung link..


sabi dyan..

"THIS IS A FREAKING FRAUD! hu ever r u using this account, please fck urself.... the articles about my ate cannot be erased anymore..... its spread worldwide now, damit............... Inggit lng yang taenang yan oh kung cnu man may ari n2ng account. my ate is now struggling for her success and for our family and u bitch keeps doing this nonsens? ano ba tlga nagwa nya sau? hah? cguwo ikw c lady GAGa, d malaman kung my tite ka oh wla, tae pwet mo lng meron ka........ SORRY GUYS! Im just really pissed...............".


sa lahat po.. sana magdasal pa tayo.. lalo na sa panahong ganito.. tumawag tayo ke BRO.. :)

== GOD BLESS ==

Wednesday, September 23, 2009

adik na!



Ano ba to! naaadik na ko sa farm farm na yan.. wahhhhhhhhh! gusto ko na ngang bumili ng globe tattoo para kahit d2 sa office atleast d nakablock kc d nakaconnect sa internet namin d2.. hehehe (adik na!) grabe napanaginipan ko na nga rin.. hala! late man ako sa mga naadik.. eh d bale na.. atleast ngyn d na nila ko masasabihang.. "nasa IT ka pa nmn wala kang fesbuk!" hehehe! patay ako sa accomplishment ko neto! malamang tamnan ako ng sermon ng boss ko hahahah! may fesbuk nga wala namang output sa work.. pede na kayang gift na lang ang cow at horse para matuwa sila? hihihi! peace!  

Kanina pa kami naaaliw sa walkie talkie ek ek na pinapatesting samin d2 sa office nakakaaliw parang mga engot lang.. kahit saan bitbit.. may paroger roger pang nalalaman.. kaya si mam aiza naiirita na magkakatabi lng nmn kami halos e ang ingay tuloy hahaha! para kaming mga driver ng FX na nag-uusap at nagbibigay ng tip kung san maraming pasaherong naka-istambay o di kaya para mabigyan ng warning ang co-driver nmin kasi may buhayang nakabantay na nanghuhuli.. o di kaya mga security guard.. for testing kasi to para malaman namin kung ok ba syang gamitin ng mga dapat gumamit neto.. :) alam nyo na kami kasi ang testingan ng kung ano anong mga nirerequest nilang mga gadget at kung ano ano pa.. kakatuwa lang kasi kahit sa CR bitbit hahahah!


Naaasar ako sa pesteng pimples na tumubo sa fes ko eeeeeeeeeer! eto pa namn ang pinakakinaiinisan ko.. paghugasin na ko ng sangkaterbang pinggan.. pagbunutin ako ng puting buhok.. o pagtanggalin ako ng kuto.. wag lang tutubuan ako ng tagyawat huhuhuhu! matagal kc maalis e.. nag iiwan pa ng ala ala hayz.. nakakailang kasi pag titingin ako ng salamin xa agad ang una kong nakikita o kaya pag may nakatingin sakin feeling ko yun lang ang tinitingnan sa muka ko.. :( nakakailang.. sana sana.. wag akong mahalin ng tagyawat na to baka kasi maging residente na sya eh.. wag po! wag po! :( eto nga pala yung tagyawat ko..


alas tres na naman..ang bilis naman ng oras.. mamaya uwian na naman.. taz tulog time na ulit.. at gigising na naman bukas (sana nga gigising pa.. hehehe) papasok na naman.. hayz.. bukas andito na bisor ko patay patay bye bye fesbuk muna.. (ahhh hindi gagawa ko ng paraan! di pede un ganyan.. hehehe! takot lang ng boss mga alaga kong animals at prutas na mamatay) hehehe.. tama na muna toh.. bukas na ulit.. :) [alt+tab] may dumaang boss hahahaha!


== GOD BLESS ==

si mamang taxi driver




May mga mabubuting tao pa pala kahit papano noh? ilang beses na kasi kong sumakay ng taxi pero ngayon lang ako nakatagpo ng isang driver na napakagalang at di marunong mangdenggoy sa pasahero nya.. kanina kasi pumunta ko ng developer ng housing loan nmin.. may need akong ipasa sa kanila kaya pumasok muna ko dito sa office tapos eh tumakas  nagpaalam ako sa superior ko na sasaglit lang ako sa shaw.. ayun di naman ako nabigo.. balak ko na un kagabi pa.. kasi naman kung pupunta ko dun tapos saka ako papasok dito sa office eh mababahiran ang magandang attendance ko lam nyo na.. papalapad points yun sa performance sheet ek ek namin e.. :) mabalik tayo ke manong taxi driver.. pagsakay ko pa lang di muna sya nagtanong kung san ako pinaupo na nya agad ako meaning hindi sya namimili ng pasahero kung malayo man o malapit.. kadalasan kasi e magtatanong muna tapos pag ayaw nila yung lugar e biglang may reason na sila na kung ano ano para lang di ka maisakay.. kaasar ang mga ganun! So pagsakay ko sabi ko ke mamang driver sa makati ave po since pabalik na ko ng office nun.. sabi nya "ah sige po mam pakikabit na lang po ng seatbelt para di po tayo mapahamak.." so kinabit ko un seatbelt.. nagtanong sya.. sabi nya.. "teacher po kayo mam?" hehehe natawa ko muka na pala kong teacher! sabi ko ke mamang driver "di po kuya, sa toooootoooot po ako nagtatrabaho" hehehe.. sabi nya "ahhh! malaki ang sweldo nyo mam ano?" sabi ko naman.. "marami lang pong benepisyo kuya.. at may seguridad na di tatanggalin sa trabaho maliban lang kung may administrative case" sabi nya "ahh! maganda yun mam.. ang mga anak ko po pangarap kong magkaron sila ng magandang trabaho kaya po ako nagsisikap para may maipamana po ako sa kanila kahit edukasyon lang nila para kahit mawala man ako meron silang kinabukasan.. ayoko pong lumaki silang manloloko lang ng kapwa para lang yumaman" nginitian ko si manong.. alam kong mabuti syang tao at mabuti syang ama.. nagpaunlak din sya ng ngiti.. :) nung bababa na ko bumunot ako ng 100 pesos sabi ko "itabi nyo na manong un sobra.." nasa 67.50 lang yun.. pero sabi nya sakin "hindi mam susuklian ko po kayo" sabi ko "ok lng po kuya tabi nyo na lang po " sabi nya may halong pangungulit.. "susuklian ko po kayo mam eto po.." inaabot nya ang sukli kong 32.50 ang galing ni manong pati butal gusto nyang maisukli sakin.. ni hindi man lang humingi ng dagdag tulad ng mga ibang buhayang taxi driver.. pag alis ko sa taxi nya pinabaunan ko sya ng ngiti sabi nya sakin "salamat mam!" sana lahat ng driver ganyan.. di nananamantala.. :) sayo po manong taxi driver.. hangad ko ang pag asenso mo kalakip ang panalanging maibigay mo ang pangarap mo sa iyong mga anak.. :) pababaunan din kita manong taxi driver ng tsaran! ayan oh sa may baba neto.. isang BUKIRIN.. :) 


speaking of bukirin.. maiba muna tau.. kaninang lunch gumamit ulit ako ng pc d2 n may fesbuk.. ayun nakapagtanim na ko.. nakakatuwa.. wala pa ko ganong mapagyayabang puro strawberry at talong lang un kasi pinakamura pulubi pa ko eh.. heheheh balang araw dadami din un.. 1 hr lang kasi nakakabitin hehehe.. :) at sa fesbuk din eh may mabubuting tao ha.. kasi bngyan nila ko ng mga gift katuwa.. :) pagdumami na ang kayamanan ko.. bibigyan ko rin sila.. hehehe! gusto ko kasi may mga gumagalaw galaw na animals na e.. puro lupa lang ang meron ako at isang puno regalo pa wahhhhhh! naman kasi bat ngayon lang nila ko ininganyo sa tanim tanim ek ek na yan e.. hehe! :) eto pala oh ang cute ko jan.. may ribbon ribbon pa parang bading lang hahahahah! kasama ko ung horsey horsey at duck duck na bigay ni mama zette.. gusto ko sana emo ang itsura ko kaso wala e.. kaya yan pa cheezy sweety look n lang yaicks! hehehe.. :)


tama na muna.. eembento gagawa pa ko ng accomplishment report at deadline na! wahhhhhhhhh! parang mas madali magprogram kesa gumawa ng mga docu docu report report na yan e.. hayz! oh cge mga kablog next time ulit.. :) 



== GOD BLESS ==

Monday, September 21, 2009

kung san ka masaya...




Nakakatamad pumasok! Panay ulan kasi.. sarap matulog at mahiga hehe! pero dahil may obligasyon na pumasok at magtrabaho para mag-internet at magblog mabuhay eh eto at sisikapin kong sipagin.. :) Naalala ko yung lakas ng ulan mga madaling araw kanina.. parang galit na galit ang langit.. parang may gera panay ang kidlat ang tatalim.. kasabay ng malamig na hangin.. at kasabay din nun ang pagkirot ng mga buto ko.. ang sakit na dulot ng lamig.. Kaasar talaga ang scoliosis ko.. wala akong magawa kundi umiyak na lang ng umiyak.. mahinang iyak para di marinig ng kapatid ko huhuhuh! nag umpisa na naman ang BER month.. umpisa na rin ng gabi gabing pagsakit ng katawan at buto ko hayz.. may pagkamakulit kasi ko.. sinabi ng bawal ang magbuhat ng mabigat at mapagod e.. ginagawa ko pa rin tapos mag rereklamo ko hehehe! Ewan ko ba minsan kasi kelangan di magreklamo kahit nakakapagod na.. :) Minsan kasi may nakikinabang sa paghihirap mo.. at yun ang nakapagpapataba ng puso.. yun ang nakakadagdag inspirasyon sa ginagawa mo! (amfuts ang emo ko!) naalala ko yung sinabi ng isang batang makulit sakin nung minsang dumaing ako na may masakit sakin.. sabi nya "pag namatay ka.. wala na mag aalaga sakin? gamutin mo sakit mo ha?" may halong luha pagkasabi nya.. kahit di ko aminin.. naluha ako at naantig,, sa isang batang paslit.. may silbi pala ko.. hehehe! kakatuwa! nakakataba ng puso yun.. :) kaya kung minsan kahit wala na ko lakas gawin pero para sa benefit ng iba.. ginagawa ko pa rin.. :) mas gusto ko yun.. kahit parang OA hehehe! tama na drama.. nag umpisa lang sa ulan.. matatapos lang ng kadramahan? hehehe.. erase! erase! nga pala.. dahil sa rason na ako na lang yata ang walang fesbuk d2 sa office nmin.. "naturingang IT walang fesbuk" hahahah sabi nga ng isang adik sa fesbuk.. kaya nakigamit ako ng PC ng isang pioneer d2 sa office.. iba kasi ang gamit nilang internet provider kaya di nakablock ang site ng fesbuk.. sinamantala ko ang pagkakataon na wala sya at nagcreate ako ng account ko dahil halos araw araw na lang yata eh pagtatanim sa bukirin ang pinag uusapan nila na di man lang ako makarelate hahaha wawa! kaso naman nung nag add na ko ng application at gusto ko na iadd ang tanim tanim ek ek na yan nag eerror naman.. amf! ayaw yata kong pagtanimin.. magprogram na lang daw ako heheheh! hayz basta mamaya sakin yan! mararanasan ko na ring mag tanim at magparami ng mga alaga.. :) hehehe excited ako! wooots! :) sana mga kablog pag marami na kong tanim tulad nyo makita ko dun ang mga tanim din nyo.. hehehe ignorante pa ko dun.. wahhhh! kahiyaan na toh! oo nga ignorante pa ko dun kaya gudluck sakin.. mamamaster ko din yan heheheh! gang dito muna mag kakalikot muna ko ng fesbuk tatrabaho muna ko at pasahan na ng accomplishment report patay patay na naman ako neto kakaimbento  kakarecall ng mga nagawa ko.. hehehehe :)

wait! wait! ang moral lesson ng entry ko ngayon.. kahit matrabaho.. kahit nakakapagod.. kung masaya ka naman sa ginagawa mo.. pagpatuloy mo! bawal magreklamo gat alam mong may napapasaya ka.. :) parang fesbuk lang.. kahit ubos oras yan at kelangan ng matinding atensyon para mapalago mo ang naumpisahan mong bukirin.. pagpatuloy mo lang.. napapasaya ka nyan e.. hahaha may koneksyon ba? toinkz! parang wala.. hahahahah!

== GOD BLESS ==

Thursday, September 17, 2009

Nakakarinding boses



Mahilig ba kayong makinig ng mga maiingay na kanta? ako isa yan sa hilig ko.. pero kung araw araw na lang na ginawa ng Diyos d2 sa office eh nakakarinding bunganga ng isang babae ang maririnig mo gugustuhin mo na lang sigurong saksakan ng earphone yang tenga mo at magpatugtog na lang.. kahit pa magmukha kang bingi pag tinawag ka ng boss mo kasi di mo sya marinig sa lakas ng pinapakinggan mo! Aaminin ko isa akong malokong kaofficemate, kung minsan ako ang nagpapasimula ng mga kalokohan sa office.. mga kwentuhang kababuyan, pero alam ko kung kelan ako nakakapagbigay ng saya at kung kelan nag iingay na lang! meron kasi kami ditong sabihin na nating kinaiinisan sa sobrang ingay ng bunganga.. yung tipong walang kakwenta kwenta nmn ang sinasabi.. parang tambucho na ang nilalabas naman ay maruming hangin kasi puro kayabangan at panghihiya ang maririnig mo.. yung tipong kahit ang kausap ay nasa phone naman eh rinig ng buong dept ang sinasabi nya! kung secret nga lang yun eh nalaman na naming lahat! kahit pagtawag na lang sa jollibee para magpadeliver sya e malalaman pa naming lahat! kahit pa hindi sa telepono.. kahit nasa harap lang nya ang kausap nya lalo kung bossing eh sobrang lakas yung tipong di mo alam kung sinasadya nya para lang malaman namin na hello? nagwowork ako.. kasi kahit wala naman sya ganong accomplishment e kung di mo sya kilala at narinig mo lang na ganun sya magsalita e iisipin mong nagpafunction sya sa work nya.. hahahah! ang salita nga naman napakalaking factor para makapang uto ka! hahahaha.. hindi na ko gano magsasalita about sa kaofficemate namin na to.. basta lahat kami d2 bwisit sa kanya.. tingin ko nga kung bakit merong mga nagtyatyagang makasama sya e dahil na lang yun sa pagtyatyaga at pakikipagplastikan.. heheheh! peace! ahhh basta iba sana ang ibablog ko ngayon pero dahil sa ang aga aga e boses na naman nya ang narinig ko na parang may built-in amplifier.. sya na lang muna ang idadaldal ko dito hahahaha! sige maya na lang ulit pagsinipag akong mag blog.. :)


== GOD BLESS ==

Saturday, September 12, 2009

Astig na kanta!

May mga kanta na di ganun kadalas natin marinig pero masasabi kong malakas ang dating sakin.. mga kantang may pinatatamaan.. mga kantang di sikat pero may kabuluhan.. dalawa sa kantang gusto ko ay ang kanta ng WUDS na may pinamagatang AT NAKALIMUTAN ANG DIYOS at ang kanta ng THE CHONGKEYS na TINGNAN MO.. una kong narinig yung kanta ng THE CHONGKEYS nung napanuod ko sila ng live sa freedom bar.. (d nyo po kasi natatanong.. mahilig tlaga si andreng sa live bands.. sa mga ROCK at UNDERGROUND songs) di nmn tlga sila kilalang banda.. pero gusto ko ang style nila may pagka rock-reggae.. tungkol sa banda ang tema ng kanta nilang TINGNAN MO.. makamasa at walang paligoy ligoy! Yung kanta nman ng WUDS sa pc ko lang naririnig lagi hehehe.. d na kasi ko nakakapakinig sa radyo kaya di ko alam kung pinapatugtog b yun.. para sa mga gustong marinig kung ano yung dalawang kantang sinasabi ko.. eto un mga ka-BLOG! maaring d nyo maappreciate or ilan ay di magustuhan pero kung si andreng ang tatanungin nyo hehehe gusto ko ang dalawang kanta na to.. sa mga may gusto rin neto eh ang masasabi ko lang.. APIR! :)
THE CHONGKEYS - TINGNAN MO


etong lyrics nya..
Bakit ang mga madre, sister ang tawag?
Bakit ang mga pari, father ang tawag?
Bakit yung mga ibang mga teacher, mam sir ang tawag?
Bakit ang tawag sa banda ay kaka-iba?
Hindi maganda
Kami raw ay mga
Adik, manyak, gago, siraulo
Mga adik, mga manyak, mga gago, siraulo
Magulo, maingay, walang asenso, walang kita
Bakit yung ibang mga polis, buwaya ang tawag?
Bakit ang mga artista, plastikan nang plastikan sa amigo at amiga?
Eh bakit yung ang ating gobyerno, kurakot ng kurakot sa pera ng bayan?
Bakit ang tawag sa banda ay kaka-iba?
Hindi maganda
Kami raw ay mga
Adik, manyak, gago, siraulo
Mga adik, mga manyak, mga gago, siraulo
Magulo, maingay, walang asenso, walang kita
…BADUY
Bakit ikaw, kayo?
Tingnan nyo muna sarili ninyo
Bakit ikaw, sila?
Tingnan muna sarili nila
Ano nakikita mo
Ano nakikita ninyo
Totoo ka ba?
Ang Chongkees ay may sasabihin!
Huwag mong hustagan
Huwag pintasan
Sarili mo’y tingnan
Maging totoo sa sarili, sa sinasabi
Hindi lang labas ang
Totoong kaanyohan
Respeto bigay ko
Respeto bigay ninyo
Tingnan mo
Pakinggan mo
Yung nasa puso ko
Yung nasa isip ko
 WUDS - AT NAKALIMUTAN ANG DIYOS





eto naman ang lyrics

Dito Ba Sa Mundo Ano ang tunay na kailangan
Ang magpakasarap at magkamit ng kayamanan
Anumang kayamanan na akala mo'y walang hangganan
Darating ang panahon yan ay iyong iiwan

Sobrang kapangyarihan sobrang kayamanan sobrang katakawan
ilan sa mga mamamayang nagsisigawan mga gani mga ganid!!!

Marami ang nag-akalang siya'y makabayan
gumamit pa ng salitang kalayaan
ang demokrasya at ang kalayaan
ay nakasalalay sa ating kakayahan
na pigilin at kontrolin ang mga pagnanasa at mga gawain
eh ano bang gusto mo na magpapasaya sa iyo
ito ba ang karangyaan sa pamumuhay

Malaking bahay, Magarang kotse, Maraming Pera
Magandang asawa, May mga anak, May mga damit
Masarap na pagkain sikat na sikat kasi may pangalan
Pero nakalimutan ang diyos

Ang daming namatay noong nakaraang patayan
nagkabigayan ilan sa mga mamamayang nagsisigawan
Tahimik!!! Tahimik!!!
sana manamnam nyo ang mensahe ng dalawang kantang yan.. aktibistang aktibista hahaha! next time ulit.. uwi na ko.. OTY lang ako ngayon e.. wala lang napadaan lng dito sa ofiz.. :)

== GOD BLESS == 

Thursday, September 10, 2009

Certified Favorite ka ni ANDRENG

Meron akong pakulo.. syempre katulad din to ng mga pakulo ng iba.. nagawa ko na to sa luma kong blog.. since bago na ang blog ko bago rin dapat ang ipamimigay kong award.. para to sa mga paborito kong blog na namimiss ko bisitahin pag di ako active sa mundo ng sapot.. eto yung mga blog na di rin ako nakakalimutang bisitahin kahit walang kakwenta kwenta ang entry ko hehe.. eto nga pala yung award n sinsabi ko..

eto naman yung mga nais kong bahagian.. sana maappreciate nila hehehe..
pakuha na lang po d2 mga kablog ha.. eto un thumbnail para mailagay nyo sa mga blog nyo.. next time gagawa n rin ako nung may mga voting voting hahaha wala lang gaya gaya ko e hehehe.. sana magustuhan nyo mga kablog.. :)
 

  
teka lagay ko nga din pala ung mga award na binigay ni pinknote sa blogniandreng since sister blog ko un ilagay ko n rin d2 sa iskribulniandreng.. salamat pinknote sa walang sawang pagbigay mo ng award ha.. muaah! hehehe..

== GOD BLESS ==

Wednesday, September 9, 2009

si tatay

ang emo ng entry ko nung huli hehehe.. kumusta naman kaya si ann? oi ann smile na ha.. kanina nagrereminisce ako ng mga picture ng pamilya ko.. nakita ko pic n tatay bigla ko tuloy naalala malapit na pala bday nya.. naisip ko tuloy ano kayang ibibigay ko sa kanya halos ilang taon na rin akong d nakakapagregalo sa kanya e.. puro pagmamahal na lang taon taon hehehe.. gusto ko sana bgyan ng bonus kahit anong bagay n alam kong maaappreciate nya.. so naggawa ko ng listahan ng mga posibleng ibigay ko.. eto un:

1. tool box (ung maganda na kasi mahilig tlga xa magkukumpuni, magpukpok at magbutingting.. twing weekends yan n wala syang trabaho gigisingin ka ng ingay ng pukpok may pinag eeksperementuhan n nman tulad ng upuan, tukador at kung ano ano pa.. gusto ko organize na ung mga pako, turnilyo, martilyo at kung ano ano pang mga gamit nya pangkumpuni.

2. cellphone (ung may camera daw.. kasi last time nagparinig sya sa kapatid ko na kawawa naman daw ang cp nya kasi wala man lang daw camera hehehe.. tapos pag tumunog d man lang daw ung paboritong mp3 nya hahaha)

3. grocery items (gusto ko syang ipag grocery ung marami na.. kasi nung minsan sabi nmin na pag bday nya e punta na lang kami dampa at magpapaluto kami ng mga gusto nyang food e ang sabi nya ayoko ng isang gabing busog lang ako gusto ko araw araw maraming fud.. oh e d grocery items n lng hehehe)

4. wallet (wallet na maswerte lalakipan ko n lang ng muka ng pag-asa hehehe para kung meron man syang gustong bilin e sya na lang ang bibili)

5. cake, spag, ice cream, roasted chicken at balloon ( hehehe parang bata hotdog pa pala na may marshmallow.. baka batukan ako ng tatay ko haha! tutal batang bata pa xa.. 62 na sya sa bday nya woooooooh!)

6. tarpaulin na may picture nya ( syempre may design yan cguro kasama nya si batman, superman o kaya ang power rangers heheheh jowk lang tay.. bka mga collection n lng ng picture nya na kasama kami para pag makikita nya e maiiyak xa kasi bka masabi nya eto kasama ko sa picture ang bunga ng paghihirap ko hehehehe.. o kaya ipaframe ko n lng instead na itarpauline ko para mas desenteng tingnan.. :)

7. pagmamahal (pagmamahal n lang ulit kasi wala pa kong budget hehehe..)

oh yan kung may budget lng sana ibibigay ko n lng lahat yan.. pra mapasaya ko ang tatay ko ng lubusan.. xmpre kalakip ng kahit anong maibibgay ko eh ang panalangin ko na sana ay makasama pa namin xa ng matagal.. kasi wala na nga kaming nanay e.. sana magawa pa namin ang mga gusto nmin gawin kasama ang tatay nmin..

sayo tay.. kahit alam kong di ka marunong gumamit ng internet tulad ni lola techie e balang araw mapapasok mo din itong mundo ng sapot ko.. at mababasa mo rin ito.. mahal na mahal po kita.. samahan mo pa kami ha.. magagalit ako pag iniwan mo kami.. hmmmp! love u tay.. babawi ako ngayon sa mga pagkukulang ko promise! salamat ng marami.. :) tama na nga at wala pa bday ng tatay ko e naluluha na k.. :)


== GOD BLESS ==

walang pamagat

Pasensya na po mga kablog mejo emo ang entry na toh.. as in.. may kaibigan akong matalik.. itago natin sya sa pangalang ann.. yung kaibigan kong yun makwela rin naman.. masayahin... maloko.. pero pansin ko sa likod ng masayahing mukha nya.. may natatagong kalungkutan.. na tinatago nya para lang di mahalata ng iba lalo na ng mga taong mahal nya.. kasi kadalasan mas madali syang maapektuhan pag yung mga mahal nya ang dahilan bakit sya nagkakaganun.. nakilala kasi syang masayahin kaya kahit sya naninibago pag nagiging madrama sya sa harap ng iba.. kaya pag mag isa na sya dun lang sya umiiyak.. na halos wala na syang mapaglagyan ng mga luha sa sobrang dami ng gusto nyang ilabas.. iiyak sya kakausapin nya ang sarili nya at pagkatapos nun mabilis na pupunasan ang luha nya dahil bka may makakita.. ayaw nyang may nakakakita.. ayaw nya talaga.. alam ko lumaki syang matatag ang pananampalataya sa Diyos kaya kahit ganun ang mga nararamdaman nya sinisikap nyang bawiin ulit sa pag ngiti kasi alam nya na matatapos din un.. mapapagod din syang magpaka emo! nakinig ako sa kanya kasi alam kong nararamdaman nya.. alam ko na mahirap ang ganung sitwasyon.. may mga bagay din sya na gusto nyang wag mawala sa kanya kaya sinisikap nyang manahimik na lang.. baka sakali makatulong.. kinakalimutan nya ang sakit at hinaharap nya ang sarili nya sa iba na parang mapagbalat-kayo.. kahit pa kung minsan dumarating sya sa puntong papansin na sya.. wala akong maipayo sa knya kung ano ang gagawin nya pag nakakaramdam sya ng ganun kasi kahit ako pag ganun d ko rin alam ang gagawin ko sa sarili ko.. si ann.. alam ko isang araw matutupad din ang mga pinagdarasal nya para sa mga minamahal nya.. at darating din yung time na makikita ko syang nakangiti.. nakatawa.. bungisngis.. pero walang luha sa likod nun.. sau kaibigan ko.. wag kang mag alala.. hanggat alam mo na wala kang ginagawang masama.. at di ka nagnanais ng ikasasama ng mga taong mahal mo.. kahit pa nakakaranas ka ng pagluha.. alam ko na balang araw marerealize din nila ang worth mo.. ang importansya mo kahit pa di ka ganun kayaman at kapopular.. kaya mo yan.. eto para sau.. kantahin mo pag malungkot ka.. :) at wag mong kakalimutan na may nagmamahal pa sau.. smile.. kasi may mga tao pa namang napapasmile kapag nakasmile ka..
Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.

Baby, you don't have to worry
'Coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway.

Girl I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
I'll get by if you smile
You can never be too happy in this life.

In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
And don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.

(Too doo doo...)
Let me hear you sing it
(Too doo doo...)

In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.

Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
Now it's time to kiss away those tears goodbye

(Too doo doo...)
Let me hear you sing it
(Too doo doo
== GOD BLESS ==
Blog Widget by LinkWithin