Sunday, September 27, 2009

si ondoy


Gusto kong umpisahan ang entry ko sa isang munting panalangin..

Dear Papa Jesus,
          Una sa lahat patawarin mo kami sa ming mga pagkakasala.. sa panahong ito higit po kayong kailangan ng sambayanang Pilipino.. tulungan nyo po sila Papa Jesus na patatagin ang loob at magkaron ng pag-asa para ipagpatuloy ang buhay.. ako mismo Papa Jesus nagpapasalamat at walang nangyaring masama sa pamilya at mga mahal ko sa buhay.. buo pa rin ang aming tahanan.. sa mga kababayan ko pong lubos na naghihirap dahil sa trahedyang nangyari sa kanila Papa Jesus sana makakita sila ng liwanag.. wala man akong pinansyal na maitutulong.. panalangin ko po sa inyo ang lubos kong maibibigay sa knila.. sana Papa Jesus.. pagkatapos ng unos na ito ay tulungan nyo po silang bumangon.. sa mga nawalan po ng mga mahal sa buhay lalo na ang mga batang kaawa awa.. sana po ay tulungan nyo silang makamove on sa trauma sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.. sa mga pumanaw Papa Jesus nawa'y akayin nyo po sila papunta sa inyong PARAISO at matikman ang walang hanggang saya sa piling ninyo.. Maraming salamat Papa Jesus..

Andreng
 ----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Malungkot ang lahat kaninang umaga pag pasok ko sa office.. di ko man aminin konti na lang ay papatak na talaga ang luha ko.. isa sa malapit kong kaopisina ang nabiktima ni ondoy. Naubos ang kanilang ipinundar na gamit.. wala silang nailigtas kundi mga feeding bottle lang para sa kanya dalawang maliliit na anak.. ang bahay nila tuluyan ng nilubog ng baha.. ayon sa kanya binalikan nila ang bahay nila pero putik at pagibang bahay na ang tumambad.. di na daw talaga pedeng tirahan dahil sinira na ng bagyo.. nakakapanlumo pero sa kabila nun nagpapasalamat kaming lahat at walang namatay sa knila.. nailigtas nya ang maliliit nyang anak.. bukod dun.. hindi mabilang ang napinsala pa ni ondoy d2 saming opisina.. karamihan kasi talaga dito.. sa parteng yun nakatira..

sa news paper.. sa tv.. sa internet.. kalunos lunos at kakilakilabot ang pinsalang idinulot ni ondoy.. ilan sa mga litratong nakita ko ay ito..


 



eto nman mga video na sobrang nakakapanlumo..










nabasa ko kanina ke paps bout ke jacque bermejo.. so hinagilap ko sya ke kuya google at eto ang mga nakalap ko.. ayoko sanang pag-aksayahan sya ng panahon pero naintriga ko kung ano ba ang nagawa ng babaeng ito.. ganun pa man ayoko pa rin muna mag judge kasi d rin ntin alam kung sya nga ba yan.. pero kung sya man yan o hindi... hindi magandang biro kung biro man ang comment na yun.. wala sya karapatan magsabi ng ganun dahil hindi yun makatao! walang takot sa Diyos ang katulad nun.. ang taong un at Diyos lamang ang tanging nakakaalam ng totoo..


pasensya na po maliit ung copy.. eto yung link ng multiply account nya..


kakaiba title ha..

pero may nabasa ko shout ng kapatid nya.. sa isang blog..  eto po ung link..


sabi dyan..

"THIS IS A FREAKING FRAUD! hu ever r u using this account, please fck urself.... the articles about my ate cannot be erased anymore..... its spread worldwide now, damit............... Inggit lng yang taenang yan oh kung cnu man may ari n2ng account. my ate is now struggling for her success and for our family and u bitch keeps doing this nonsens? ano ba tlga nagwa nya sau? hah? cguwo ikw c lady GAGa, d malaman kung my tite ka oh wla, tae pwet mo lng meron ka........ SORRY GUYS! Im just really pissed...............".


sa lahat po.. sana magdasal pa tayo.. lalo na sa panahong ganito.. tumawag tayo ke BRO.. :)

== GOD BLESS ==

No comments:

Post a Comment

Blog Widget by LinkWithin