Monday, September 21, 2009

kung san ka masaya...




Nakakatamad pumasok! Panay ulan kasi.. sarap matulog at mahiga hehe! pero dahil may obligasyon na pumasok at magtrabaho para mag-internet at magblog mabuhay eh eto at sisikapin kong sipagin.. :) Naalala ko yung lakas ng ulan mga madaling araw kanina.. parang galit na galit ang langit.. parang may gera panay ang kidlat ang tatalim.. kasabay ng malamig na hangin.. at kasabay din nun ang pagkirot ng mga buto ko.. ang sakit na dulot ng lamig.. Kaasar talaga ang scoliosis ko.. wala akong magawa kundi umiyak na lang ng umiyak.. mahinang iyak para di marinig ng kapatid ko huhuhuh! nag umpisa na naman ang BER month.. umpisa na rin ng gabi gabing pagsakit ng katawan at buto ko hayz.. may pagkamakulit kasi ko.. sinabi ng bawal ang magbuhat ng mabigat at mapagod e.. ginagawa ko pa rin tapos mag rereklamo ko hehehe! Ewan ko ba minsan kasi kelangan di magreklamo kahit nakakapagod na.. :) Minsan kasi may nakikinabang sa paghihirap mo.. at yun ang nakapagpapataba ng puso.. yun ang nakakadagdag inspirasyon sa ginagawa mo! (amfuts ang emo ko!) naalala ko yung sinabi ng isang batang makulit sakin nung minsang dumaing ako na may masakit sakin.. sabi nya "pag namatay ka.. wala na mag aalaga sakin? gamutin mo sakit mo ha?" may halong luha pagkasabi nya.. kahit di ko aminin.. naluha ako at naantig,, sa isang batang paslit.. may silbi pala ko.. hehehe! kakatuwa! nakakataba ng puso yun.. :) kaya kung minsan kahit wala na ko lakas gawin pero para sa benefit ng iba.. ginagawa ko pa rin.. :) mas gusto ko yun.. kahit parang OA hehehe! tama na drama.. nag umpisa lang sa ulan.. matatapos lang ng kadramahan? hehehe.. erase! erase! nga pala.. dahil sa rason na ako na lang yata ang walang fesbuk d2 sa office nmin.. "naturingang IT walang fesbuk" hahahah sabi nga ng isang adik sa fesbuk.. kaya nakigamit ako ng PC ng isang pioneer d2 sa office.. iba kasi ang gamit nilang internet provider kaya di nakablock ang site ng fesbuk.. sinamantala ko ang pagkakataon na wala sya at nagcreate ako ng account ko dahil halos araw araw na lang yata eh pagtatanim sa bukirin ang pinag uusapan nila na di man lang ako makarelate hahaha wawa! kaso naman nung nag add na ko ng application at gusto ko na iadd ang tanim tanim ek ek na yan nag eerror naman.. amf! ayaw yata kong pagtanimin.. magprogram na lang daw ako heheheh! hayz basta mamaya sakin yan! mararanasan ko na ring mag tanim at magparami ng mga alaga.. :) hehehe excited ako! wooots! :) sana mga kablog pag marami na kong tanim tulad nyo makita ko dun ang mga tanim din nyo.. hehehe ignorante pa ko dun.. wahhhh! kahiyaan na toh! oo nga ignorante pa ko dun kaya gudluck sakin.. mamamaster ko din yan heheheh! gang dito muna mag kakalikot muna ko ng fesbuk tatrabaho muna ko at pasahan na ng accomplishment report patay patay na naman ako neto kakaimbento  kakarecall ng mga nagawa ko.. hehehehe :)

wait! wait! ang moral lesson ng entry ko ngayon.. kahit matrabaho.. kahit nakakapagod.. kung masaya ka naman sa ginagawa mo.. pagpatuloy mo! bawal magreklamo gat alam mong may napapasaya ka.. :) parang fesbuk lang.. kahit ubos oras yan at kelangan ng matinding atensyon para mapalago mo ang naumpisahan mong bukirin.. pagpatuloy mo lang.. napapasaya ka nyan e.. hahaha may koneksyon ba? toinkz! parang wala.. hahahahah!

== GOD BLESS ==

No comments:

Post a Comment

Blog Widget by LinkWithin