Wednesday, September 23, 2009

si mamang taxi driver




May mga mabubuting tao pa pala kahit papano noh? ilang beses na kasi kong sumakay ng taxi pero ngayon lang ako nakatagpo ng isang driver na napakagalang at di marunong mangdenggoy sa pasahero nya.. kanina kasi pumunta ko ng developer ng housing loan nmin.. may need akong ipasa sa kanila kaya pumasok muna ko dito sa office tapos eh tumakas  nagpaalam ako sa superior ko na sasaglit lang ako sa shaw.. ayun di naman ako nabigo.. balak ko na un kagabi pa.. kasi naman kung pupunta ko dun tapos saka ako papasok dito sa office eh mababahiran ang magandang attendance ko lam nyo na.. papalapad points yun sa performance sheet ek ek namin e.. :) mabalik tayo ke manong taxi driver.. pagsakay ko pa lang di muna sya nagtanong kung san ako pinaupo na nya agad ako meaning hindi sya namimili ng pasahero kung malayo man o malapit.. kadalasan kasi e magtatanong muna tapos pag ayaw nila yung lugar e biglang may reason na sila na kung ano ano para lang di ka maisakay.. kaasar ang mga ganun! So pagsakay ko sabi ko ke mamang driver sa makati ave po since pabalik na ko ng office nun.. sabi nya "ah sige po mam pakikabit na lang po ng seatbelt para di po tayo mapahamak.." so kinabit ko un seatbelt.. nagtanong sya.. sabi nya.. "teacher po kayo mam?" hehehe natawa ko muka na pala kong teacher! sabi ko ke mamang driver "di po kuya, sa toooootoooot po ako nagtatrabaho" hehehe.. sabi nya "ahhh! malaki ang sweldo nyo mam ano?" sabi ko naman.. "marami lang pong benepisyo kuya.. at may seguridad na di tatanggalin sa trabaho maliban lang kung may administrative case" sabi nya "ahh! maganda yun mam.. ang mga anak ko po pangarap kong magkaron sila ng magandang trabaho kaya po ako nagsisikap para may maipamana po ako sa kanila kahit edukasyon lang nila para kahit mawala man ako meron silang kinabukasan.. ayoko pong lumaki silang manloloko lang ng kapwa para lang yumaman" nginitian ko si manong.. alam kong mabuti syang tao at mabuti syang ama.. nagpaunlak din sya ng ngiti.. :) nung bababa na ko bumunot ako ng 100 pesos sabi ko "itabi nyo na manong un sobra.." nasa 67.50 lang yun.. pero sabi nya sakin "hindi mam susuklian ko po kayo" sabi ko "ok lng po kuya tabi nyo na lang po " sabi nya may halong pangungulit.. "susuklian ko po kayo mam eto po.." inaabot nya ang sukli kong 32.50 ang galing ni manong pati butal gusto nyang maisukli sakin.. ni hindi man lang humingi ng dagdag tulad ng mga ibang buhayang taxi driver.. pag alis ko sa taxi nya pinabaunan ko sya ng ngiti sabi nya sakin "salamat mam!" sana lahat ng driver ganyan.. di nananamantala.. :) sayo po manong taxi driver.. hangad ko ang pag asenso mo kalakip ang panalanging maibigay mo ang pangarap mo sa iyong mga anak.. :) pababaunan din kita manong taxi driver ng tsaran! ayan oh sa may baba neto.. isang BUKIRIN.. :) 


speaking of bukirin.. maiba muna tau.. kaninang lunch gumamit ulit ako ng pc d2 n may fesbuk.. ayun nakapagtanim na ko.. nakakatuwa.. wala pa ko ganong mapagyayabang puro strawberry at talong lang un kasi pinakamura pulubi pa ko eh.. heheheh balang araw dadami din un.. 1 hr lang kasi nakakabitin hehehe.. :) at sa fesbuk din eh may mabubuting tao ha.. kasi bngyan nila ko ng mga gift katuwa.. :) pagdumami na ang kayamanan ko.. bibigyan ko rin sila.. hehehe! gusto ko kasi may mga gumagalaw galaw na animals na e.. puro lupa lang ang meron ako at isang puno regalo pa wahhhhhh! naman kasi bat ngayon lang nila ko ininganyo sa tanim tanim ek ek na yan e.. hehe! :) eto pala oh ang cute ko jan.. may ribbon ribbon pa parang bading lang hahahahah! kasama ko ung horsey horsey at duck duck na bigay ni mama zette.. gusto ko sana emo ang itsura ko kaso wala e.. kaya yan pa cheezy sweety look n lang yaicks! hehehe.. :)


tama na muna.. eembento gagawa pa ko ng accomplishment report at deadline na! wahhhhhhhhh! parang mas madali magprogram kesa gumawa ng mga docu docu report report na yan e.. hayz! oh cge mga kablog next time ulit.. :) 



== GOD BLESS ==

No comments:

Post a Comment

Blog Widget by LinkWithin