Wednesday, September 9, 2009

si tatay

ang emo ng entry ko nung huli hehehe.. kumusta naman kaya si ann? oi ann smile na ha.. kanina nagrereminisce ako ng mga picture ng pamilya ko.. nakita ko pic n tatay bigla ko tuloy naalala malapit na pala bday nya.. naisip ko tuloy ano kayang ibibigay ko sa kanya halos ilang taon na rin akong d nakakapagregalo sa kanya e.. puro pagmamahal na lang taon taon hehehe.. gusto ko sana bgyan ng bonus kahit anong bagay n alam kong maaappreciate nya.. so naggawa ko ng listahan ng mga posibleng ibigay ko.. eto un:

1. tool box (ung maganda na kasi mahilig tlga xa magkukumpuni, magpukpok at magbutingting.. twing weekends yan n wala syang trabaho gigisingin ka ng ingay ng pukpok may pinag eeksperementuhan n nman tulad ng upuan, tukador at kung ano ano pa.. gusto ko organize na ung mga pako, turnilyo, martilyo at kung ano ano pang mga gamit nya pangkumpuni.

2. cellphone (ung may camera daw.. kasi last time nagparinig sya sa kapatid ko na kawawa naman daw ang cp nya kasi wala man lang daw camera hehehe.. tapos pag tumunog d man lang daw ung paboritong mp3 nya hahaha)

3. grocery items (gusto ko syang ipag grocery ung marami na.. kasi nung minsan sabi nmin na pag bday nya e punta na lang kami dampa at magpapaluto kami ng mga gusto nyang food e ang sabi nya ayoko ng isang gabing busog lang ako gusto ko araw araw maraming fud.. oh e d grocery items n lng hehehe)

4. wallet (wallet na maswerte lalakipan ko n lang ng muka ng pag-asa hehehe para kung meron man syang gustong bilin e sya na lang ang bibili)

5. cake, spag, ice cream, roasted chicken at balloon ( hehehe parang bata hotdog pa pala na may marshmallow.. baka batukan ako ng tatay ko haha! tutal batang bata pa xa.. 62 na sya sa bday nya woooooooh!)

6. tarpaulin na may picture nya ( syempre may design yan cguro kasama nya si batman, superman o kaya ang power rangers heheheh jowk lang tay.. bka mga collection n lng ng picture nya na kasama kami para pag makikita nya e maiiyak xa kasi bka masabi nya eto kasama ko sa picture ang bunga ng paghihirap ko hehehehe.. o kaya ipaframe ko n lng instead na itarpauline ko para mas desenteng tingnan.. :)

7. pagmamahal (pagmamahal n lang ulit kasi wala pa kong budget hehehe..)

oh yan kung may budget lng sana ibibigay ko n lng lahat yan.. pra mapasaya ko ang tatay ko ng lubusan.. xmpre kalakip ng kahit anong maibibgay ko eh ang panalangin ko na sana ay makasama pa namin xa ng matagal.. kasi wala na nga kaming nanay e.. sana magawa pa namin ang mga gusto nmin gawin kasama ang tatay nmin..

sayo tay.. kahit alam kong di ka marunong gumamit ng internet tulad ni lola techie e balang araw mapapasok mo din itong mundo ng sapot ko.. at mababasa mo rin ito.. mahal na mahal po kita.. samahan mo pa kami ha.. magagalit ako pag iniwan mo kami.. hmmmp! love u tay.. babawi ako ngayon sa mga pagkukulang ko promise! salamat ng marami.. :) tama na nga at wala pa bday ng tatay ko e naluluha na k.. :)


== GOD BLESS ==

No comments:

Post a Comment

Blog Widget by LinkWithin