Thursday, September 17, 2009

Nakakarinding boses



Mahilig ba kayong makinig ng mga maiingay na kanta? ako isa yan sa hilig ko.. pero kung araw araw na lang na ginawa ng Diyos d2 sa office eh nakakarinding bunganga ng isang babae ang maririnig mo gugustuhin mo na lang sigurong saksakan ng earphone yang tenga mo at magpatugtog na lang.. kahit pa magmukha kang bingi pag tinawag ka ng boss mo kasi di mo sya marinig sa lakas ng pinapakinggan mo! Aaminin ko isa akong malokong kaofficemate, kung minsan ako ang nagpapasimula ng mga kalokohan sa office.. mga kwentuhang kababuyan, pero alam ko kung kelan ako nakakapagbigay ng saya at kung kelan nag iingay na lang! meron kasi kami ditong sabihin na nating kinaiinisan sa sobrang ingay ng bunganga.. yung tipong walang kakwenta kwenta nmn ang sinasabi.. parang tambucho na ang nilalabas naman ay maruming hangin kasi puro kayabangan at panghihiya ang maririnig mo.. yung tipong kahit ang kausap ay nasa phone naman eh rinig ng buong dept ang sinasabi nya! kung secret nga lang yun eh nalaman na naming lahat! kahit pagtawag na lang sa jollibee para magpadeliver sya e malalaman pa naming lahat! kahit pa hindi sa telepono.. kahit nasa harap lang nya ang kausap nya lalo kung bossing eh sobrang lakas yung tipong di mo alam kung sinasadya nya para lang malaman namin na hello? nagwowork ako.. kasi kahit wala naman sya ganong accomplishment e kung di mo sya kilala at narinig mo lang na ganun sya magsalita e iisipin mong nagpafunction sya sa work nya.. hahahah! ang salita nga naman napakalaking factor para makapang uto ka! hahahaha.. hindi na ko gano magsasalita about sa kaofficemate namin na to.. basta lahat kami d2 bwisit sa kanya.. tingin ko nga kung bakit merong mga nagtyatyagang makasama sya e dahil na lang yun sa pagtyatyaga at pakikipagplastikan.. heheheh! peace! ahhh basta iba sana ang ibablog ko ngayon pero dahil sa ang aga aga e boses na naman nya ang narinig ko na parang may built-in amplifier.. sya na lang muna ang idadaldal ko dito hahahaha! sige maya na lang ulit pagsinipag akong mag blog.. :)


== GOD BLESS ==

2 comments:

  1. makapagcomment nga rin d2! :D

    well ganon talaga, sa bawat grupo ng indibidwal e asahan mo na halo-halo at iba-iba ang karakter ng bawat isa. Gaya ng officemate mo, talaga namang nakakarimarim ang ganung klase ng pag-uugali! Batukan mo kaya kung minsan! Tutal naman may pagkalukaret ka yata e gawin mo baka matauhan!

    and ooh, pareho tayo na mahilig sa maiingay na kanta! sabi nga ng isang friend ko e kung merong rakista na bading e ako na daw un!...have a nice day! :D

    ReplyDelete
  2. laging may black sheep talaga. haha!

    ReplyDelete

Blog Widget by LinkWithin